Livelihood training, handog ng DTI at LGU-Bongabon

Nagsanib pwersa ang lokal na pamahalaan ng bongabon at dti o department of trade and industry, sa pakikipagtulungan ng dilg o department of interior and local government sa paglulunsad ng livelihood projects para sa mamamayan ng bayan ng bongabon.
Ayon kay brigida pili, provincial director ng dti ang programa ay nakatuon sa hollistic approach na tuturuan ang bawat isa na matuto mula sa training hanggang sa marketing.
Limang araw ang itatagal ng training, na kung saan matututunan nila ang pagggawa ng pabango, tsinelas, cogon, cosmetics, dimsum at herbal soap.
Humigit kumulang sa tatlong daan ang nakipag partisipa sa programa.
Si carmina, hindi na pinalagpas ang pagkakataon na matuto siyang makapagsimula ng maliit na negosyo, malaking tulong umano ito, lalot sa katulad niyang walang sapat na pinagkakakitaan.
Ang livelihood program ay isa lamang sa bahagi ng gpb o grassroot participatory budgetting, na mas tinatawag nuong na bottom up budgetting na programa ng pamahalaang nasyunal.
Ngayong taon, labing pito sa tatlumput dalawang bayan at lungsod sa lalawigan ang makakatanggap ng labing limang milyong piso sa ilalaim ng gpb.
Inihayag ni provincial director dilg abraham pascua, ito ang kauna-unahang pagkakataon na naglaan ang gobyerno ng ganitong kalaking pondo.
Ayon kay mayor allan gamilla, malaking tulong para sa kanilang bayan ang pagbibigay ng dagdag pondo para sa kanilang pamahalaan.
Sa susunod na taon, inaasahan na ang lahat ng bayan at lungsod sa lalawigan ay masasakop na ng gpb.