Ilang grupo ng magsasaka sa lalawigan, nagkilos protesta

 

Isang kilos protesta ang isinagawa ng ilang grupo ng mga magsasaka sa harap ng tangapan ng dar o department of agrarian reporm kahapon.

Bitbit ang kanilang mga plakards at streamer, iginigiit ng mga mag sasaka na ibasura ang carper o ang reporma sa lupa kung saan ito ay naglalayong pagkalooban ng sariling lupa ang mga maliliit na mag sasaka.

Hinaing pa ng grupo, mas nabibigyan ng pabor ang mga malalaking negosyante, ilang pulitiko at iba pang maimpluwesyang tao kaysa sa kanila. At hindi naibibigay ng tama ang nararapat para sa kanilang mga magsasaka.

Dagdag pa ni dayson, kapag hindi sila nakabayad ng amortisasyon sa loob ng tatlong taon ay iilitin na ng land bank ang kanilang lupang sinasaka.

Ang land bank kasi ang siyang may kapangyarihang mag-ilit ng lupa kung ito ay hindi nababayaran ng tama.

Hindi umano ang mga empleyado ng dar ang kanilang kaaway sa naturang issue. Kundi, ang mismong sistema ng gobyerno at ang mga ahensya na ginagamit nito sa pag papatupad ng mga maling batas.

Sa pamamagitan ng kanilang limang araw na lakbayan, layunin nito na ipaalam sa publiko at pamahalaan na tutol sila sa ganitong klase ng pamamalakad.

Mula sa iba’t-ibang bayan sa lalawigan ang naturang mga grupo ng mag sasaka kabilang na ang bayan ng nampicuan, caranglan, cuyapo, guimba, bongabon, gabaldon, rizal, natividad, laur, aliaga, talavera, sta rosa at zaragoza, kasama ang ilang grupo ng mag sasaka mula sa probinsya ng aurora,cagayan valley at nueva viscaya.

Samantala, nakatakdang mag tungo ang grupo sa lungsod ng maynila upang mag sagawa ng malawakang protesta ngayong darating na linggo.-ulat ni Joyce Fuentes