Isang lalake, naaksidente sa Mampulog dahil sa truck

Agad na isinugod ng team ng tv 48 sa eljmc hospital si joji datang na residente ng maligaya cabanatuan city na nadaanan ng crew sa mampulog cabanatuan city. Matapos matamaan ng lumipad na sprocket na nagulungan ng di umanoy truck na pag-aari ng ng city .
Sa aming pagbalik sa mampulog, kitang kita ang mga bakas ng dugo sa gilid ng kalsada na halos sariwa pa.
Sa kurbada naaksidente si joji at dahil sa mabilis na pag aksyon ay hindi gaanong napinsala si joji. Agad namang pinuntahan ng tv 48 crew ang paradahan ng truck na katapat mismo ng fcvc upang ipaalam ang nangyaring aksidente.
Gayunpaman , pinabulaanan ng mga driver at namamahala na sila daw ay hidni nakaka aksidente. Nais sana ng tv 48 crew na ipakita ang video ng nangyaring aksidente, ngunit ito ang aming nahagip sa aming camera.
Sa pag baba palamang ng tv 48 crew ay nag radyo agad ang mga nakapaligid sa planta. At ito ang kanilang sinabi.
Sa hindi inaasahang pangyayari , ay naging hindi maayos ang pakikitungo sa unang sigaw staff, gayunpaman patuloy pa ring ipinaalam ng unang sigaw staff ang kanilang pakay.
Kaya minarapat na lamang ng unang sigaw staff na umalis. Sa ngayon ay maayos ang kalagayan ni jojit at nagpapagaling, gayunpaman dahil sa natamong pinsala, hindi muna siya makakapag trabaho para sa kanyang pamilya.