Dacoco, sikat na restaurant sa lungsod ng San Jose

 

Kilala noon ang dacoco sa kanilang ibat-ibang klase ng luto ng pansit tulad ng lomi, mami,pancit bihon,canton, chummy, at ang sikat din na pancit cabagan at iba pa ngunit dahil sa masarap na timpla ay mismong mga costumer na ang nagrequest sa kanila ng ibat-ibang putahe na maari pa nilang maihanda.

Ang pinakasikat naman sa kanilang ulam ay ang original nilang timpla na sinigang na lechon at pinasilip nila sa amin kung pano ito gawin.
Ang binabalik balikan sa kanila ay ang hindi nila pagbabago ng lasa sa bawat ihahain mula ng magpasimula sila ng restaurant at karamihan sa kanilang costumer ay pamilya.
Mismong magkakamaganak na rin ang bumubuo ng mga tauhan para narin umikot ang pagtutulungan sa kanilang lahi.

Nagsimula ang dacoco noon pang 1991 eto sana ay plano lamang para lang sa pagkain ng pamilya, hanggang sa sumubok sila na maglagay ng dalawang mesa at nagpatuloy na ito na naging karinderia hanggang napalawak na nila at ngayon ay may tatlong branch na ang naturang restaurant.

Tumatanggap sila ng reception para sa kasal, binyag, bday at iba pang okasyon at nagkecater narin sila sa ibant ibang lugar.

Nagbigay naman ng mensahe si liza dacoco na siyang nagmamanage nagyon sa kanilang pwesto para sa mga nais maging matagumpay ang kanilang negosyo.

Isang waitress at limang waiter ang kasama ni liza sa pagseserve ng mga costumer.

Isa dito si arnold achio na dalawang taon ng nagsisilbi sa dacoco, nakapagtapos siya ng 2 years course na electronics ngunit dahil sa hirap ng buhay at nagtrabaho nalamang siya upang makatulong sa kaniyang mga magulang lalo na sa kaniyang ina na kailangan ng maintenance ng gamot siya ay sumasahod lamang ng 300 kada araw at nangungupahan pa ng bahay sa halagang 2thousand pesos kung kaya pangarap din ni arnold na mangibang bansa dahil mas malaki umano ang kita doon.

Nagpaabot naman ng pasasalamat sa mga costumer si conrado dacoco pitumpo’t dalawang taong gulang na siyang nagmamay-ari at bumuo ng negosyo.