“Be Riceponsible” –PhilRice

Mula sa programa ng gobyerno sa pamamagitan ng department of agriculture na National Year of Rice noong nakaraang taon at ito ay nadugtungan pa ng proyektong “Be Riceponsible” campaign na isinusulong ngayon ng PhilRice.

Kung saan binigyan ng focus ang maraming bagay ukol sa pagkamit ng kasapatan ng bigas sa bansa at ang pinakahangarin ng campaign ng “Be Riceponsible” ay huwag magsayang  ng bigas.

Ayon kay Jaime Manalo IV, Head ng DevCom Division sa PhilRice, madami ang nagsasayang ng bigas. May mga data ang Food and Nutrition Research Institute na nagpapatunay na bawat Filipino ay nagsasayang ng dalawang kutsarang kanin araw-araw.

Maraming taon nang ipinapakalat ang ganitong gawain katulad ng  zero rice wastage o tinawag nila na “Save Rice, Save Lives” movement sa buong Pilipinas  at hanggang ngayon ay hindi pa rin tumitigil ang PhilRice sa pagkampanya sa ating mga kababayan sa pagpapahalaga sa bawat butil ng bigas.

Dagdag pa ni Manalo na binibigyang diin ngayon ang pagkain ng brown rice na tinuturing bilang masustansyang bigas dahil ito ay mayaman sa antioxidants na mabuti para sa mga taong may diabetes at panglaban sa iba pang mga sakit.

Sa paggawa naman ng brown rice ay pili lamang ang variety ng bigas na maaring gawing ganito tulad ng 160 to 108, mestiza one at iba pa.

Ayon naman kay Engineer Artemio Vasallo, Division Chief III ng Business Development division ng PhilRice, limitado lamang ang pagbebenta ng brown rice dahil ito ay parte lamang ng promotion at  ginagamit nilang makabagong teknolohiya sa bigas.

Kapartner din ang DOH o Department of Health sa programang ito at iba pang private at public na mga organisasyon.

Ang PhilRice din ay bumuo na mga storage para sa ibat-ibang breed ng bigas at hindi rin biro ang pagaalaga dito dahil hindi lahat ay parepareho ng temperatura upang tumagal ang bigas dahil mas madaling masira ang bigas.

Payo pa ni Engineer Vasallo, mas mainam iimbak ang palay kaysa magimbak ka ng bigas.

Isa pang campaign ng PhilRice para sa mga magsasaka ang magkaroon ang huli ng sapat na income.

Binigyang paliwanag naman ni Dr. Ronan Zagado isang senior science research specialist ng Development Communication division o devcom ng philrice ,kung ano ang ibig sabihin ng konsepto ng nucleus na nais nilang ipakilala sa isang komunidad.

Dagdag pa nito na target nila sa taong ito na maipakilala pa ang PhilRice  na hindi lang bilang R & D institution kundi maging service provider para sa mga magsasaka.