Diskwento caravan, dinumog

 

Dinumog ang presyo diskwento caravan ng dti o department of trade and industry sa general mamerto natividad nuong biyernes.

Ito ay kasabay ng ika-57th founding anniversary ng bayan ng general natividad at ika-walong taon ng gatas ng kalabaw festival.

Ayon kay brigida pili, provincial director ng dti, ang diskwento caravan ay ang taonang proyekto ng ahensyaupang ilapit sa tao ang murang bilihin.

Tatlumput anim na mga negosyante mula sa lalawigan at iba pang kompanya ang nagbenta ng mga grocery items, katulad ng bigas, asukal, processed foodat iba pang bilihin katulad ng furnitures at produktong pampasalubong.

Ikinatuwa ng mga mamimili ang 20-30% na discountsa lahat ng paninda sa tatlong araw na presyo diskwento caravan.

Si aling linda, hindi na pinalagpas pa ang pagkakataon na makabili ng mga mababang presyo ng mga gamit nila sa bahay.

Lubos naman ang naging pasasalamat ni mayorsantos, dahil ang kanilang bayan ang napili upang mahandugan ng diskwento caravan.