Multi-purpose gym evacuation center sa Barangay Alua, San Isidro

Malaking tulong hindi lamang para sa mga mag-aaral ang isang multi purpose gymnasium evacuation center na inihandog ng ama ng lalawigan governor oyie matias umali sa mga residente ng barangay alua, sa bayan ng san isidro.

Anila, ito ay magagamit sa mga okasyong magaganap sa alua elementary school tulad na lamang nitong marso na inulan ang kanilang araw ng pagtatapos ngayong taon.
Ayon sa kanila,ito ang kauna-unahang paggamit ng imprastraktura ng nasabing paaralan na ikinatuwa ng mga guro.
Hindi lamang ang mga mag-aaral at guro ang makikinabang sa multi-purpose gym evacuation center kundi mga residente ng barangay alua na magagamit mismo sa mga darating na kalamidad sa lalawigan, tulad na lamang ng pagdaan ng bagyong santi noong buwan ng oktubre na nanalanta ng daan-daang pamilya sa naturang barangay.
Lubos ang pasasalamat ng mga guro at ang school principal ng alua elementary school na si raul p. Sta ines sa pagtugon ng kahilingan ng mga magulang at estudyante.
Kakaibang evacuation center ang ipinatayo ni gov oyie dahil sa ito ay mayroon pang sariling palikuran, poso at kitchen na magagamit ng mga residente.
Halos tatlong buwan na itinayo ang imprastrakturang handog para sa barangay alua na maaaring gamitin sa mga okasyong gaganapin sa kanilang paaralan at barangay.