“Palayabangan” challenge ng PhilRice, pinagbunyi

 

Sa pamamagitan ng philrice ng science city of muñoz ay nabigyang pansin ang mga magagaling na magsasaka hindi lang sa lalawigan kasama rin ang region 1 at iba pa sa ginanap na palayabangan the 10-5 challenge na ang ibig sabihin ay may ani na sampung tonelada o dalawang daang kaban at sa bawat kilo ng palay ay may gastos lamang na limang piso.
Layunin nito na mabigyang pansin at parangal ang mga magsasaka na magaling umani at kung anong technology ang kanilang ginawa upang makaani ng 200 bags sa isang sakahan.
Laking bilib din ni proceso alcala ang philippine secretary of agriculture ng bansa na kayang kaya pala ng mga magsasaka sa ating probinsya at sa iba pang rehiyon na magproduce ng mas mababa ang production cost ng palay kung kaya kung eto umano ay patuloy na maisasakatuparan sa buong bansa ibig sabihin lang na mas makakaya pa natin tugunan habang tumatagal ang panahon.
Nanawagan din si alcala sa mga media na matulungan sila na ipakalat sa mga magsasaka na hindi mababawasan ang kita kung mas maganda ang volume ng harvest bagamat mas tataas pa ang income kung mas mataas ang volume ng harvest pero hindi tataas ang production cost kung kaya mas madaling bilhin sa murang halaga para sa isang pamilya na may simpleng pamumuhay.
Ukol naman sa pagtaas ng bigas ay kung ang pagtutuunan lang ng pansin ang mga commercial rice ay talagang may kataasan ang presyo ngunit mayroon namang mababang presyo ng bigas sa karaniwang mamayan na nabibili tulad ng nfa na sinigurado ng wala ng bulok na kahalo.
Nasungkit naman ng syngenta philippines sa bulacan ang 100 thousand pesos plus 20 thousand na idinagdag ng secretary alcala na may ani na 10.54 per hectares at per kilo nito ay 4.94 pesos.
Ang iba pang mga nagwagi ay mula pa sa isabela at nagparating din ng kanilang mensahe tulad ni ferdinand melchor ng lgu ng san mateo isabela na naging kwalipikasyon niya sa patimpalak ay kinilala siya sa kanilang lugar bilang regional awardee ng sl-8 high shealder noong 2009 at 2010 at municipal awardee ng isabela.
Ayon naman kay lucena dupale na nagantimpalaan ng 10,00 pesos na dapat umano sa mga kapwa niya magsasaka na dapat iupgrade ang kanilang mga teknolohiya at hindi dapat magtuon sa makaluma dapat ay baguihin ang sistema sa pag-aalaga sa bukid.