Cold storage ng kapitolyo, tinetesting na

Kasalukuyang namimili ng mga small-scale farmers ang opa o office of the provincial agriculturist nasiyang target ng pamahalaang panlalawigan ng nueva ecija namakikinabangsabiniling second hand cold storage sapalayan city.
Katuwangng opa angmga barangay technician sa prosesong pagpili sa mga benepisyaryo ng magsasaka.
Sinimulan na ang paghahanap ng maliliit na magsisibuyas sa kalapit na bayan ng gabaldon at laur, kasunod ang gen. Natividad, palayan, at rizal.

Kinakailangan na lehitimong pag-aari ng magsasaka ang lupang sinasaka na hindi hihigit sa kalahating ektarya.
Inaasahan na magiging fully operational angnasabing cold storage sasusunodnataon o next cropping season.
Paliwanag ni provincial agriculturist santos na sa ngayon ay tinetesting pa at pinag-aaralan kung paano patatakbuhin ang cold storage upang matiyak na matutulungan ang mga maliliit na magsisibuyas sa ating lalawigan.
Unang binigyan ng pagkakataon ang mga taga-gabaldon na nakag-imbak na nitong nakaraang buwan ng marso ng kanilang mga inaning sibuyas.

Problema ng mga maliliit na onion farmers tuwing anihan na nawawalan sila ng space sa mga cold storage dahil nag-babayad na kaagad ng advance ang mga traders para sa paglalagan nila ng nabiling sibuyas.

Kaya naman napipilitan ang mga maliliit na magsisibuyas na ibenta ang kanilang produkto sa mababang presyo dahil kung hindi ay mabubulok lang ito at lalo silangmalulugi.

Sa cold storage ng provincial government, walang babayarang deposito ang mapipili ng magsasaka para mailagak habang bagsak pa ang halaga ng kanilang sibuyas kapag tumaas na ang presyo nito at ilalabas na tsaka pa lamang ito babayaran.

Bukod sa cold storage ay may iba pang proyekto ang kapitolyo para sa mga maliliit na magsisibuyas.
Magpapautang din ang pamahalaang panlalawigan sa mga onion farmers sa pamamagitan ng expanded amu o ani ng masaganang uhay for onion farmers.