Photo at painting exhibit, inilunsad ng 7th CMO Gwapo battalion

 

Inilunsad ang isang photo at painting exhibit kamakailan, ng 7th civil military operations, gwapo battalion sa n.e pacific mall activity area, cabanatuan city.
Ito’y kaugnay ng ika-isang daan at labing anim na pagdiriwang ng araw ng kalayaan ng ating bansang pilipinas.
Ayon kay 2nd lieutenant michelle burgos commanding officer of first cmo kakampi company under of 7th cmo gwapo battalion, nagsagawa sila ng ganitong klaseng aktibidad upang ipahiwatig sa mga tao ang kahalagahan ng araw ng kalayaan.
Ipinakita sa mga larawan at mga imaheng iginuhit ang pag gunita sa araw ng kalayaan, tulad ng imahe ng isang sundalo karga ang isang babae suot ang watawat ng pilipinas, na nangangahulugang pag liligtas at pag aalaga sa ating sariling bansa at ang lumang tradisyon ng bayanihan kung saan nag tutulong tulong at nag kakaisa ang mga pilipino.
Itinampok din sa kanilang exhibit ang ilang mga litrato ng kanilang mga aktibidad, tulad ng tree planting, blood letting,medical mission at fun run.
Mapabata man o matanda ay tinunghayan ang mga obra na kanilang inihanda na malaking tulong para sa pag alala ng araw ng kalayaan.
Hindi din nag pahuli ang philippine army pag dating sa iba pang talento sapagkat hindi lamang sila sa pag guhit magaling kundi pati na din sa pag tatanghal, kung saan ang kanilang peace drumer gwapo battalion band ay nag pamalas din ng husay sa pag tugtug at pag kanta.
Ang gwapo battalion ay hindi lamang nag rerepresenta sa kanilang mga pisikal na kaanyuan kundi ang bawat letra ay may mas malalim na kahulugan, genuinely, well rounded, advocates, peace at order, na nagpapahiwatig na ang kanilang kabayanihan ay hindi lamang makikita sa kanilang uniporme kundi lalong higit sa pagpapatupad ng kapayapaan at kaayusan para sa ating bansa.