Tatlong mag-anak na agila, namataan ng Haribon Foundation sa Gabaldon

 

Namataan ang 3 agila na naninirahan sa bundok mingan na bahagi ng nasasakupan ng gabaldon nueva ecija.ang mga agilang ito ay natagpuan ng grupo ng mga botanists ng haribon foundation, isang organisasyon na pangunahing tumutulong sa pangangalaga ng kalikasan.
Ito si gaby, isang juvenile o batang agila, ipinangalan ito sa kanya mula sa bayan ng gabaldon. Siya ang unang nakita ng mga taga haribon foundation noong february 2014, at hindi nagtagal ay namataan din nila ang mag-asawang agila.
Sa aming pagtungo sa gabaldon, aming nasaksihan ang paglipad ng sinasabi nilang agila. Kahit masama ang panahon ay para itong nakikipaglaban sa hangin, pinamalas nito sa amin ang bilis at taas ng kanyang paglipad.
Upang mapangalagaan ang mga agila, mas pinatindi pa ngayon ng department of environment and natural resources, haribon foundation at local government ng gabaldon ang pagbibigay proteksyon sa mt. Mingan na siyang pinaglulugaran ng mga agila.
Ayon kay mayor rolando bue, magtatalaga umano sila ng mga bantay gubat na siyang mangangalaga at magbabantay sa kagubatan.
Sa ginanap na 64th foundation ng bayan ng gabaldon at kasabay ng pagdiriwang ng araw ng kalayaan noong june 12, pinakatampok sa kanilang programa ay ang pagbibigay kaalaman sa mga mamamayan na kailangan pangalagaan ang mga agila at ang bundok na kanilang tahanan.
Panawagan din ng haribon foundation na huwag hulihin ang naturang mga ibon.
Dahil sa kasalukuyan, ang mga agila ay nabibilang na sa pinaka-nanganganib mawala na species sa buong mundo.
Ang panghuhuli, pagsira sa kanilang tirahan gaya ng pagtotroso at pagsunog sa kagubatan ay ang siyang dahilan ng mabilis na pagkaubos ng ating pambansang ibon.
Sa pilipinas, tinatayang nasa mahigit 500 na lamang ang nabubuhay na mga agila, mabagal ang kanilang pagdami at halos makalbo na ang mga kagubatan na siyang kanilang tahanan kaya nanganganib na mawala ang kanilang uri.