Kaso ng dengue sa Nueva Ecija, patuloy sa pagbaba sa loob ng ilang buwan

June 9, 2014 — Sa pag pasok ng rainy season o tag ulan, isa sa pinangangambahan ng mga tao ngayon ay ang paglaganap ng sakit na dengue.

Sa malinis na stagnant o hindi umaagos na tubig nangingitlog ang mga lamok na nagdadala ng dengue virus sa buong mundo at lalo na sa pilipinas.

May ibat ibang klase ng dengue, ang ilan ay mas mabangis at mas malala kaysa sa iba.

May apat na klaseng dengue virus na kumakalat ngayon sa buong mundo. Ito ay tinatawag na den1, den2, den3, den4.

Kung ikaw ay nagka dengue na, maaari ka nang ma immune sa mahabang panahon sa type ng dengue na dumapo sayo.

Pero kung ikaw ay magkakaroon ulit ng dengue na may ibang type, malaki ang posibilidad na mas malala ang maging epekto nito sa iyong katawan at maaaring mauwi sa dengue hemmoragic fever, kung saan maaaring bumaba ang platelet count ng isang pasyente at magkaroon ng pag durugo na maaaring lumabas sa lahat ng parte ng katawan na maaaring maging sanhi ng kamatayan. Kaya naman labis ang pag- aalaga sa mga taong nadapuan na ng dengue.

Gayunpaman, hindi nakakahawa ang dengue at maaari lamang itong makuha sa kagat ng lamok.

Dito sa nueva ecija, ang dengue ay hindi kakaibang uri ng sakit. Ito ay regular nang minomonitor ng provincial government sa pangunguna ng provinacial health office.