DepEd, nais isama ang Mandarin lesson sa public school curriculum

June 9, 2014 — Sa pag sisimula ng pasukan ng mga mag aaral ngayon taon, ipinahayag ng deped o department of education  na nais  nilang isama ang mandarin lessons sa curriculum ng mga public schools.

Pinili ng deped ang djghs o don jesus gonzales high school sa pampanga bilang pag sisimulan ng unang programa na mag kakaruon ng mandarin lessons.

Ayon kay djghs principal joel cadiang, mayroon silang mga guro na kayang mag accommodate at willing matuto ng mandarin at willing na umatted ng mga seminars at additional language training.

Ang mandarin class ay para lamang sa grade 7 at grade 8 students at tanging studyante na mayroong high average sa academics ang maaaring kumuha ng subject na ito.

Taong 2012, nang sinabi ni dep ed secretary armin luistro na ang pag dadagdag ng foreign languages sa pagtuturo sa mga public school curriculum ay bahagi ng k to 12 upang maging handa sa pagkakaruon ng trabaho sa hinaharap sa loob at labas ng ating bansa.

Ayon kay adora  dela cruz, principal ng santa  rosa national high school na sila ay pabor na isama ang mandarin lessons sa curriculam ng mga public schools upang madagdagan ang kaalaman ng mga mag aaral.

Umulan din ng mga negatibong komento sa social media ang pagnanaiis ng dep ed na isama ang mandarin lessons sa curriculum ng mga public schools. Subalit may ilan din namang positibong komento ang natanggap ng panukalang ito.