Flashpoint West Philippine Sea: EDCA, kinuwestiyon sa Supreme Court

Dumulog sa Supreme Court si former senator Rene Saguisag at Wigberto Tanada upang maghain ng petisyon laban sa EDCA o Enhanced Defense Cooperation Agreement. Ito ay upang kwestyunin ang bisa ng nasabing kasunduan sa gitna ng Estados Unidos at Pilipinas. Sa pagbisita ni United States President Barrack Obama sa bansa, matatandaang pumirma ng kasunduan ang bansang Pilipinas at Estados Unidos ito ay ang enhanced defense cooperation agreement.

 

Ngunit ayon sa Senado hindi umano valid ang EDCA dahil hindi ito idinaan sa approval ng Senado na isa sa mga proseso upang maging legal ang isang kasunduan. Marami ring mga katanungan ukol sa EDCA na hindi nabigyan ng maayos na pagpapaliwanag sa mga tao dahil sa biglaan ang pagpirma para dito.

 

Nakasaad man sa EDCA na maaari lamang magtayo ang US Army sa mga lugar na pinapayagan ng bansang Pilipinas ay maaari namang magrequest ang Estados Unidos ng mga lugar kung saan nito nais magtayo ng base militar kahit saan pa ito sa loob ng territoryo sa bansang Pilipinas na katulad ng Subic Naval Base na dati nang naging base militar ng US Navy.

 

Samantala, ilang taon na ang nakalilipas nang magsampa ng petisyon ang bansang Pilipinas upang humarap ang bansang China at Pilipinas sa arbitral tribunal. Dito ay dapat pag-uusapan ng dalawang bansa ang kanilang mga karapatan sa ilalim ng batas na ipinatutupad ng UNCLOS.

 

Mariin itong tinutulan ng bansang China at sinabing hindi umano dapat sumali ang mga bansang labas sa usapan ng West Philippine Sea. Kinakailangan umanong pag-usapan ng bansang Ppilipinas lamang at China na walang tulong o pakikialam ng ibang mga bansa.

 

Kaya naman hanggang ngayon ay hindi humaharap sa arbitral tribunal ang bansang China na sana’y makapagpapadali ng pagsasaayos ng di-pagkakaunawaan sa West Philippine Sea partikular na ang Panatag Shoal at Kalayaan Group of Islands. Hanggang ngayon ay patuloy ang pagpapalakas ng bansang China ng kanilang hukbong sandatahan sa islang ito.


Hindi man nagsasabi ang bansang China na sasabak sila sa giyera para lamang sa mga isla ng West Philippine Sea ay matagal nang nagbanta ang bansa na handa nitong ipagtanggol ang kanilang karapatan para sa mga islang nabanggit. Isang pagpapakita ng lakas na maaaring makapagbigay ng mensahe na ang bansang China ay hindi mag dadalawang isip na gumamit ng puwersa upang makuha ang mga isla na kanilang pinaniniwalaan na kanilang pag-aari kahit walang sapat na dokumento na magpapatunay ng apelang ito.