Vaca Bridge, ligtas nang daanan ngayong tag-ulan

Tunay nga na ang tulay ay isa sa pinakamahalagang imprastruktura para sa kaunlaran.ito ang nagdurugtong sa mga lugar, itinatayo ito upang may matawiran ang mga mamamayan.

Ngayong papalapit na naman ang tag-ulan at malalakas na bagyo nagiging mahirap ang sitwasyon dahil marami ang nasisirang kalsada at tulay. Maswerte ang mga lugar na napaglalaaanan ng pondo at proyekto upang maisakatuparan ang pagpapagawa ng isang maganda at matibay na tulay. Karamihan kasi lalo na sa mga malalayong lugar ay sobrang delikado ang kanilang tulay.

Dating mahirap at delikadong daanan ang tulay na ito sa llanera nueva ecija, lalo na kapag panahon ng tag-ulan. Umaapaw ang tubig at gumuguho ang lupa sa ilalim ng konkretong tulay kapag malakas ang agos ng tubig. Dahil sa pananalasa ng bagyong parma noong 2009, lubhang nasira ang vaca bridge.

Ngunit dahil sa sa pinagsanib na proyekto ng nueva ecija provincial government, municipal government ng llanera, dilg, local government academy at agencia espaola cooperacion international para el desarrolllo o aecid nasimulan ang kontraksyon ng vaca bridge noong march 8, 2013 at natapos noong  july 25 ng kaparehong taon.

Inabot sa 5 milyong piso ang nagastos sa pagpapagawa ng tulay at foot bridge.50 thousand pesos ang ibinahagi ng pamahalaan panlalawigan sa pagpapagawa ng tulay na ito at ito rin ang implementing agency, 450 thousand naman ang naman mula sa aecid. Ang tulay na ito ay nagdurugtong sa barangay bosque at barangay plaridel sa llanera.

Hindi na ito nakakatakot daanan, mahigit apat na raan mga commuters ang nakakatipid araw-araw ng pamasahe at hindi na nila kailangang umiikot pa o dumaan sa ibang barangay upang makarating sa mismong bayan ng llanera. Mas madali na rin maidadala sa mga pamilihan ang mga inaaning gulay at prutas. At sigurado na ang kaligtasan ng mga mamamayan na daraan dito.