12 Novo Ecijana, sumubok makapasok sa screening ng Mutya ng Pilipinas 2014

Nagpatalbugan sa pagandahan at paseksihan ang 12 binibini sa ginaganap na screening for nueva ecija candidates para makasali sa mutya ng pilipinas national pageant.

Idinaos noong ika- lima ng hunyo sa sierra madre suites sa palayan city ang screening sa mga aplikante na mula sa iba’t-ibang bayan sa nueva ecija. Isa lamang ang mapipili na magiging opisyal na kalahok sa prestihiyosong mutya ng pilipinas 2014.

Rumampa sa harapan ng mga hurado ang mga kandidata suot ang kanilang casual wear at swimwear.

Tatlong aplikante ang nabigyan ng special award, ito ay sina jackielyn dulay, na best in swimsuit; patricia carmelo  bilang miss photogenic, at nakakuha naman ng personality award si nikka marie apan.  May pagkakataon ang isa sa tatlong ito na mapili bilang panlaban ng nueva ecija.

Dahil sa kakaunti lamang ang naging aplikante, ayon sa pamunuan ng mutya ng pilipinas incorporated ay magsasagawa muli ng ikalawang screening upang magkaroon ng pagkakataon ang iba

Ayon kay renee salud, isang kilalang filipino fashion designer, at isa sa mga hurado, hahalughugin nila ang buong nueva ecija upang mahanap ang ipanlalaban ng nueva ecija sa naturang pageant. Nais umano niya na ang maging winner ngayong taon o bago ang 50th anniversary ang mutya ng pilipinas ay may tanghalin nang winner na mula dito sa lalawigan.

Hinihikayat din nito ang mga novo ecijana na may angking ganda ng mukha at katawan, talino at matangkad na sumali sa ikalawang screening ng mutya ng pilipinas dito nueva ecija.