Flashpoint West Philippine Sea: Vietnamese protesters nagiging mapusok sa protesta laban sa China

Dahil sa mapusok na mga galaw ng bansang china sa west philippine sea ay naging dahilan na ito ng pag siklab ng galit ng ibang mga mamamayan sa mga kalapit na bansa partikular na sa bansang vietnam.

Sa patuloy na pag tutunggali ng bansang pilipinas, china, brunei, malaysia at taiwan sa pinag aagawang kalayaang group of islands na matatagpuan sa west philippine sea. Kung saan ang pinaka malapit nitong pulo ay matatagpuan malapit sa puerto princesa. Hindi na maipag kakaila ang tensyon dahil sa patuloy na pag aaklas ng iba’t-ibang bansa laban sa bansang china.
Ang kalayaan group of islands ay pinag aagawan ng vietnam, malaysia, taiwan, china at pilipinas na lalong pinalala ng pag papalakas ng military power ng china dahil sa patuloy na pag sasagawa ng military drills malapit sa mga pinag aagawang isla.
noong 1995 sumailalim ang bansang china at asean na nag sasaad na walang konstruksyon na magaganap sa pinag aagawang mga isla.
Kaya naman ikinagulat ng mga pilipino ang inilabas na larawan ng department of foreign affairs na nagpapakita ng konstruksyon sa ngayo’y pinag aagawang mga isla sa west philippine sea.
Ang binuong flatform at pagpapadala ng oil rig ay ginagamit upang humukay at i-extract ang langis sa ilalim ng lupa.
Mariin itong tinututulan ng bansang pilipinas at iba pang mga bansa, lalo na at ang konstruksyon ay isinagawa sa pinag aagawang kalayaan group of islands.
Agad naman itong sinagot ni li xhian liang isang chinese foreign ministry ocean affairs official at sinabing normal drilling activity lamang ito sa lugar na pag aari ng bansang china.
Samantala, lalong sumiklab ang tensyon na naging dahilan ng pag aalsa ng mga mamamayan ng vietnam anbg ginawang konstruksyon ng bansnag china sa kalayaan group of islands. Sinunog kamakailan ng mga anti-chinese protesters ang mga banyagang pabrika sa vietnam kung saan nag ta-trabaho ang ilang chinese nationals sa bilang protesta ng pananakop ng paracel islands na diumano’y pag aari ng bansang vietnam.
Sa mga lumabas na reports dalawa ang patay at nasa isang daan naman ang sugatan sa nasabing mga pangyayari at nailikas naman ng chinese government ang tatlong libong mga chinese nationals na nasa loob ng bansang vietman at apat na libo pa ang nag hihintay namang mailikas sa bansang vietnam. Dahil sa pag aalsa at galit ng mga mamamayan ng vietnam na laban sa bansang china, pansamantala rin sinara ang mga factory sa vietnam upang maka iwas ang mga nag mamay aring chino sa lumalalang tensyon.
Ito ay matapos maibalita ang oil rig na ipinadala ng bansang china sa pinag aagawang paracel islands na parte ng spratlys o kalayaan group of islands.
Gayunpaman sa bansang japan, matatandaan ang balitang pag bangga ng chinese shipping vessel sa japan coast guard vessel na nagpa taas ng tensyon sa pagitan naman ng dalawang bansa at ngayon ng ay binabalak na magtayo ng military outpost ang bansag japan sa tatlong isla south west ng kanilang bansa kung saan 350 mga sundalo ang itatalaga dito. Ito umano ay upang mapalakas ang depensa ng bansang japan sa mga islang ito.
Pero saan nga ba nag simula ang pag aangkin ng mga isla ng kalayaan group of islands na nasa west philippine sea ng mg iba’t-ibang bansa na myembro ng asean at ng bansang china?
May karapatan nga ba ang bansang china na mambraso at manakot ng maliliit na bansa katulad ng bansang pilipinas at ipag pilit ang kanilang kagustuhan lamang?
Ano ng ba ang archipelagic doctrine at nine dash line na ginagawnag basehan ng bansang china at pilipinas upang angkinin ang mga islang ito?