Flashpoint West Philippine Sea: Joint military exercise ng China at Russia, sinimulan na

Sa kabila ng lumalalang tensyon sa west philippine sea kalayaan group of islands ay sinimulan na ng bansang china ang kanilang joint military exercise katuwang ang bansang russia na tatagal mula may 20 hanggang may 26 2014 at ito ay tinawag na “maritime cooperation 2014”.

Dadaluhan ito ni chinese president xi jinping at russian leader vladimir putin. Ang kanilang air and maritime drill ay isasagawa sa east china sea.
Kabilang ang bansang russia at china sa mga pinaka malalakas na mga bansa pagdating sa military power at ang pag sa-sanib pa ng pwersa ng mga ito ay mas lalo pang magpapalakas sa bansang china.
Isang nakaka alarmang hakbang lalo na at sa usapin ng kalayaan group of islands, ay bansang china ang may pinaka malakas na hukbo sa pagitan ng mga bansang nag aagawan sa mga kapuluan malapit sa palawan.
Ang pag angkin sa mga isla ng kalayaan group of islands sa west philippine sea ay nagsimula pa sa panahon ng ating mga ninuno. Kung saan ang pag mamay ari ng mga panibagong lupain ay sa pamamagitan ng pananakop at pag punta sa mga isla na wala pang nakaka tuklas.
Ang kalayaan islands ay unang tinawag na panacot ng mga datu ng pilipinas na nangingisda sa karagatan ng west philippine sea walong daang taon bago pa ito ma diskubre ng dynastia ng china noong 7 ad sa pamumuno ni general zhi hae. Ngunit nang mabuo ang unclos o united nations convention on the law of the sea at naging epektibo noong november 16 1994 ay nagkaroon ng pamantayang dapat sundin ng mga bansang kasapi nito.
Sa loob ng 12 nautical miles ay malaya ang isang bansa na gawin ang nais nito dahil ito ay nasa loob ng kanyang territoryo.
Kung tatanungin kahit mismo ang mga tsino ay walang maayos na dahilan ang bansang china sa pag gawa ng 9 dash line o siyam na linya na nagpapakita ng pag aari ng bansang china, bukod sa ito ay linya na gawa ng mga nakaraang lider ng bansang china upang mag habol sa mga likas na yaman ng karagatan na kanilang gustong sakupin. Ipinapakita nito na ang lahat ng kapuluan at yaman sa buong west philippine sea o south china sea ay pag aari ng bansang china lamang.
Ang layo ng kalupaang pag aari ng china sa kalayaan group of islands ay nasa isang libong milya o 1000 miles. Patunay na sa batas at patakaran ng unclos, hindi ito pasok sa eez o exclusive economic zone na nagsasabing sa loob ng 200 nautical miles ay pag aari ng isang bansa ang kapuluan at lahat ng yamang dagat na nakapaloob dito.
Lahat ng sinasabing karapatan umano ng china ay dahil lamang sa historical background nito, na walang concretong basehan na ayon sa batas .ang sinasabing 9 dash line ng china na ginagamit nito bilang paghahabol sa kalayaan group of islands ay hindi kinikilala ng unclos.

Habang ang archipelagic doctrine na base sa batas at sumusunod sa 200 nautical miles exclusive economic zone naman na pinanghahawakan ng bansang pilipinas sa mga kapuluan ng kalayaan group of islands ay nag sasaad na ang isang archipelago ay binubuo ng magkakahiwalay na pulo at ito ay kinikilala bilang pag aari ng bansa at ang bawat isla malaki man o maliit ay may karapatan at kailangan tratuhin na katulad ng mga malalaki nitong pulo.
Isang malinaw na apela ng pilipinas na may basehan at paninindigan sa unclos. Ang pang ba-braso ng bansang china ay tinututulan ng mga miyembro ng asean at iba pang mga bansa kabilang na ang bansang pilipinas lalo na at wala tayong laban sa lakas militar ng bansang china na pumapangatlo sa pinaka malakas na bansa pagdating sa lakas ng hukbong sandatahan.
Sa isang daan at anim na bansa ay pangatlo sa pinaka malakas ang china sa world military ranking, pang labing pito ang taiwan,pang tatlumput tatlo ang bansang vietnam,habang magkasunod naman sa rangking ang bansang pilipinas at malaysia sa ika tatlumpu’t pito at tatlumpu’t walong pwesto.
Sa military vehicles pa lamang ay kitang kita na tayo ay napag iiwanan na pagdating sa mga sasakyang pandigma.
Ito ay ilan pa lamang sa mga sasakyang pandigma ng bansang china at pilipinas

Tanks
China 9,200 philippines 126
Anti tank guided weapons
China 1250 philippines 400
Navy ships
China 972 philippines 120
Anti aircraft weapons
China 750 philippines 200
Multi launch rocket system
China 2,600 philippines 0
Aircraft carrier
China 1 philippines 0
Destroyers
China 55 philippines 1

Submarines
China 63 philippines 0

Attack helicopter
China 632 philippines 159

Sa bilang pa lamang ng mga ito ay kulang na kulang na ang lakas ng hukbong sandatahan ng pilipinas upang maipag tanggol ang ating bansa laban sa china.
Malinaw na sapag aagawan ng kalayaan group of islands ang china ang pinaka malakas at kayang kaya nitong dominahin ang iba pang bansa pagdating sa lakas militar.